Mahirap Magtiwala Sa Panahon Ngayon

Isa sa mga dahilan kaya nagkakaroon ng gulo, di pagkakaunawaan, sigalot, away whatever you call it basta yun na un, ay ang kawalan ng tiwala. Pag sinabi kasing tiwala, it can be applied sa madaming bagay o pangyayare pero lalong lalo ito mas ginagamit sa tao. Yung sa tao, yun yung mahirap magtiwala sa panahon ngayon.

Kung yung kakilala mo na nga nagagawa pang manloko, yung di mo pa kaya kilala?

And yes, ito yung pinaka masaklap sa lahat. Nangyayare ito sa mga taong malapit sayo. Yung sila pa yung unang manloloko sayo. Syempre yung tiwala matik mo yun binibigay sa mga taong ito kasi pamilya o kaibigan mo sila. Kilala mo sila ng personal. Kaso kung sino pa yung pinaka inaasahan mo na magiging tapat o makakaunawa sayo, sya o sila pa yung unang makakalaban mo. Bilang result, nawawala tiwala mo. Classic example nyan eh sa pera. Yung mga utang utang? Nako, talamak yan. Pahiram muna nito, pahiram muna nyan.. ibabalik ko din. Sounds familiar diba? Tapos yun pala wala ng balikan. You know what I mean. So kung yung mga ka-close mo nga nagagawang manloko sayo (di naman lahat) yun pa kayang dimo naman kilala pa?

Paano makikilala ang tunay na ugali ng isang tao?

Well, bawa’t tao may kanya kanyang paraan ng pagkilala sa kapwa. Medyo complicated na topic yan pero my mga basic na paraan para makilala mo ang tunay na ugali ng isang tao. Unang una, hindi mo makikita ang tunay na ugali ng tao kapag hindi mo ito nakasama. Kapag nakasama mong tumira sa isang bahay, nakasama mo sa isang project o mission, nakasama mo sa trabaho, marami. Don mo makikilala ang ugali ng tao. Pero yung “tunay” na ugali ng tao, madalas lumalabas yun sa oras ng pangangailan o emergency. Magugulat ka, anjan lang pala sya para tumulong sayo o the other way around. Kahit anong pakiusap mo, wala man lang pakiramdam. So pano kumilala ng tao? Try mo muna makisama, at kusa mo syang makikilala sa tamang panahon.

Paano nabubuo ang tiwala?

Mahirap buoin ang tiwala kasi involved sa pag buo nyan ang oras at panahon. Kung walang sapat na panahon na nakasama mo ang isang tao. Hindi ka agad dapat magbibigay ng tiwala. Pero my paraan para mapabilis – guarantor. Kailangan my isang personal kang kakilala – pamilya, kaibigan, na magrerefer sa kanya. Baka don, maari mong ibigay agad ang iyong tiwala.

Wag ka mag expect ng kapalit.

Ito ang hirap satin. Nagtiwala tayo tapos nageexpect agad tayo ng kapalit. Yung tiwala kasi binibigay yan over time pero it doesn’t mean na nagtiwala ka eh eexpect no na di na ito masisira. Alam mo kasi, tao lang tayo. Minsan sa taas expectations mo after mo magtiwala eh nadidisappoint ka dahil di nameet expectations mo. In that case, magtiwala ka pero don’t expect too much.

Mahirap magtiwala sa panahon ngayon

Totoo naman. Kasi marami tayong nakikitang halimbawa nito. Manood ka lang ng Raffy Tulfo in Action mabubusog ka sa mga balitang nagpapakita kung paano kalala ang problema natin sa tiwala. Kailangan ko pa bang magbigay ng halimbawa? Hehe.

Nagiging mahirap ang pagtitiwala ngayon kasi may mga tao na makakapal ang muka. Example, di mo pa naman sya gaano kakilala, mangungutang na agad o manghihiram ng kung anong gamit. Diba ang hirap naman non? Kung maliliit na bagay siguro okay lang pero pag medio valuable na talaga, aba mahirap na.

So ano ang magandang gawin? Unang una, mag ingat. Huwag agad magtiwala. Hayaan mo munang makilala mo sya ng ilang panahon bago mo ilevel up ang tiwala mo. At pag nagtiwala ka na. Don’t expect too much, dahil ang tao ay tao. Hindi tayo magaling sa mga pangako.

Leave a Comment