TUNGKOL SA LAKBAY SANAYSAY KAHULUGAN – Sa artikulong ito ating mababasa na ang lakbay sanaysay sa tagalog at mga bahagi, kagaya ng layunin, at uri nito. Ang lahat na ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na sumulat nito na siyang nagbibigay inspirasyon at ginagamit natin ngayon.
Marami na ba kayong napupuntahan o napasayalan? Naisama niyo na o kaya’y nakasama na inyong mahal sa buhay? Tara na at sumulat ng lakbay sanaysay upang ilista niyo ang mga di makakalimutan na masasayang karanasan at alaala niyo. Ngunit, kung ninyo alam kung paano, narito ang buong detalye na tiyak na makatutulong sa inyo.
Ano Ang Lakbay Sanaysay?
Ang lakbay sanaysay o travel essay sa wikang Ingles ay iang uring sanaysay na karaniwnag nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may akda na kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay. Lahat naman ito ay deskriptbo na naangkop sa lugar na pinuntahan ng may-akda at sa karansan niya rito.
Nakapaloob dito ang kultura, tradisyon, pamumuhay, eksperyensya mula sa may-akda at lahat ng aspetong naalaman ng isang manlalakbay. Samakatuwid bagay ito ay naglalaman ng mula sa pusong sanaysay ng mga naranasan at natuklasan niya sa isang lugar na kanyang napupuntahan.
Layunin o Katangian Ng Lakbay Sanaysay
Narito naman ang mga layunin o katangian nito na dapat sundin ng manunulat sa pagsulat ng lakbay sanaysay.
- Maka Lahad ng konkretong ideya ng lugar na pinuntahan para sa mambabasa.
- Makapagbigay ng tamang impormasyon ukol sa transportasyon o paraan upang makaabot sa lugar nang ligtas.
- Makapagpahiwatig ng mga espiritwal na karanasang nadama habang naglalakbay sa lugar na tinutukoy.
- Makapagpakita ng ebidensiya o magagandang litrato o bidyo ng lugar at maitala nang tama ang kasaysayan at kultura ng lugar sa pamamagitan ng pagtanong sa mga lokal na mamamayan ng lugar.
Ang mga layuning ito ay dapat na isaalang-alang ng mga manunulat sapagkat ito ang pamantayan sa pagsulat nito. Magandang sundin ang mga layuning ito upang mas magawang mabuti ang isang sulatin.
Uri ng Lakbay Sanaysay
Uri ng Lakbay Sanaysay | Kahulugan |
Pormal | Ito ay nagtatalakay ng mga seryosong mga pagsa nga nagtataglay ng masusing at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal. |
Di-Pormal | Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa. Ito ay bahagi ng mga bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang topiko kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang kaibigan. |
Lakbay Sanaysay
- Poracay Resort
Ito ay isinulat ni ytravelblog sa Poracay sa Porac, Pampanga. Talaga nga namang sulit at ang isang paglalakbay kung kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga ala-alang nabuo sa mga paglalakbay ay mananatili habang buhay sa mga puso’t isip ng mga naglakbay.
Ang mga larawan sa paglalakbay na ito ang nagsisilbing alaala ng isang masayang pagkakataon na kasama ang mga mahal sa buhay. Ang sulating ito ay nagpapa-alala sa atin na minsan ay nagkaroon tayo ng masasayang pagkakataon na mababaon natin sa ating pagtanda.Ang mga karanasang kagaya nito ay magbibigay sa atin ng inspirasyon na pahalagahan at mahalin ang ating pamilya at kaibigan. Bigyan natin sila ng oras at iparamdam sa kanila ang pagmamahal ng isang ate, kuya, inay o tatay na handang makinig at naka-agapay sa kahit anu mang oras.
- BAGUIO TRIP
Ang halimbawa ng lakbay sanaysay na ito ay isinulat ni kathuson sa Baguio. Talaga nga namang sulit ang isang paglalakbay kung kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga ala-alang nabuo sa mga paglalakbay ay mananatili habang buhay sa mga puso’t isip ng mga naglakbay.
Ang paglalakbay na kagaya nito ay nagpapa-alala sa atin na masagana at maganda ang ating bansang Pilipinas. Dapat nating tuklasin at pahalagahan ang yamang binigay sa atin ng Diyos. Maraming magagandang tanawin at pasyalan ang ating bansa na magandang bisitahin upang magkaroon tayo ng magagandang karanasan.
Higit sa lahat, mas magandang gawin ang mga paglalakbay kung kasama natin ang ating mga mahal na pamilya. Kung minsan, mayroon mang hindi pagkakaunawaan ngunit ang mga paglalakbay ay isa lamang sa mga istrumento upang magkaisa at magmahalan ang buong pamilya. Mahalagang maging masaya tayo at nag-uunawaan upang maging maunlad ang ating kinabukasan.
Summary
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano talaga ang lakbay sanaysay. Dagdag na rin ang mga layunin at halimbawa na makakatulong sa inyo. Sundin at isa-isip ang mga layunin at uri na inyong nabasa upang makagawa kayo ng magandang sulatin kagaya ng mga halimbawa sa itaas. Maging malikhain sa pagsulat at gawin ito mula sa puso.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Hangad naming matulungan kayo sa inyong mga aralin. Kung gusto niyo pa ng maraming leksyon sa Filipino, huwag mag-atubiling bisitahin ang aming website upang makakuha pa kayo ng mga magagandang topiko at aralin. Laging tandaan, lamang ang maraming alam. Happy reading and God bless.