KWENTONG BAYAN HALIMBAWA – Matutunghayan mo sa paksang araling ito na siyang kinalap mula sa kwentong bayan ng mga makatang Pilipino. Ang mga kwenyong bayan mula pa sa tunay na nadarama at puso ng mga manunulat.
Folklore sa Ingles o Kwentong Bayan mula sa kathang-isip ng mga Pilipino na mga salaysay na mga kwento. Sa kwentong bayan ay may tauhan na siyang kumakatawan sa pag-uugali at mga turo ng mamamayan. Upang ipahayag ang mga sinaunang pamumuhay ng mga tao na siyang magiging gabay hanggang sa kasalukuyang pamumuhay. Lahat ito’y mga alamat, mito, parabula at pabula na magandang basahin at kapupulutan ng leksyon.
Sa artikulong ito ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa matpos para malaman at makita mo ang bawat isang halimbawa ng kwentong bayan. Nawa’y kayo masiyahan at gawing insprasyon ang mababasa ninyong halmbawa ng kwentong bayan.
20 Halimbawa Ng Kwentong Bayan Tagalog
1. Pinocchio
Mayroong isang mabait na matanda. Ang pangalan niya ay Geppetto. Isa siyang manlililok. Umuukit siya ng iba’t ibang bagay mula sa kahoy.
Walang anak si Gappetto. Dahil sa kahiligan niya sa mga bata naganyak siyang umukit ng isang batang lalaki. Masaya siya habang ginagawa ito.
Ang kwento na pinamagatang Pinocchio ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay.
2. Ang Lobo at ang Kambing
Gutum na gutom na ang Lobo. Sa paghahanap ng hayop na mapapananghalian ay napatingala siya nang matanawan sa mataas na batuhan ang nanginginaing Kambing. Inisip ng Lobo kung paano niya mapapababa ang bibiktimahin.
“Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Napakaganda mo lalo’t tinatamaan ng sikat ng araw ang balahibo mo.”
“Talaga? Salamat.” Sandaling yumuko lang ang Kambing na nagpatuloy sa pangAng kwento na pinamagatang Ang Lobo At Ang Kambing ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay di lahat ng pag-aalala ay may katapatang kasama.
3. Alamat ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Ang kwento na pinamagatang Alamat Ng Ampalaya ay isang alamat na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay walang mabuting naidudulot ang inggit.
4. Ang Tatlong Maliliit na Baboy
May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay.
May pagkatamad ang unang biik kung kaya’t nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa mga dayami. Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang biik.
Ang kwento na pinamagatang Ang Tatlong Maliliit Na Baboy ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay maging handa sa lahat ng oras.
5. Ang Engkantada ng Makulot
Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at matakutin sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng Makulot.
Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitang nanginginain ng damo sa kaparangan.
Ang kwento na pinamagatang Ang Engkantada Ng Makulot ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay maging mabuti sa lahat ng oras.
6. Bakit Mataas ang Langit?
Noong unang panahon ay may mag-ina ang nakatira sa isang bahay-kubo. Ang anak na si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.
“Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.
“Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.
Ang kwento na pinamagatang Bakit Mataas Ang Langit? ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay mag-pokus sa anumang iyong ginagawa upang matapos mo ito sa tamang oras.
7. Si Langgam at si Tipaklong
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain.
Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
Ang kwento na pinamagatang Si Langgam At Si Tipaklong ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay magbanat ka ng buto at paghandaan ang hinaharap.
8. Si Pagong at si Matsing
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.
“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.
“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain,” dagdag pa nito.
Ang kwento na pinamagatang Si Pagong At Si Matsing ay isang pabula na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay iwasan ang pagiging madamot.
9. Kung Bakit Umuulan
Noong bago magkaroon ng panahon, walang anumang mundo. Walang araw. Walang buwan. Walang buhay. Walang kamatayan.
Ang mayroon lang ay sina Tungkung Langit at Alunsina.
“Huwag kang malungkot, mahal kong Alunsina, lilikhain ko ang kalawakan para sa iyo. Araw, mga bituin, planeta, buwan, ulap, hangin…”
“Ako rin,” sabi ng Alunsina. “Gusto ko rin maglikha ng mga bagay.”
Ang kwento na pinamagatang Kung Bakit Umuulan ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang kwentong bayan na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay.
10. Alamat ng Pinya
Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang mag-ina, sina Aling Marya at ang kaisa-isa niyang anak na si Pina.
Palibhasa nag-iisang anak, si Pina ay hindi pinapagawa ng ina at sa halip siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ang katwiran ni Aling Marya ay, “maliit at bata pa naman si Pina, matuto rin iyan”. Kaya ang nakasanayang gawin lang ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog.
Ang kwento na pinamagatang Alamat Ng Pinya ay isang alamat na halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay huwag palakihing tamad ang mga anak.
Kwentong Bayan Halimbawa Tagalog
11. Ang Kalabasa at ang Duhat
Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.
Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.
Ang kwento na pinamagatang Ang Kalabasa At Ang Duhat ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay maging masaya sa kung ano ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.
12. Ang Aso At Ang Pusa
Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan.
Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig.
Ang kwento na pinamagatang Ang Aso At Ang Pusa ay isang pabula na kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay tuparin natin ang ating ipinangako.
13. Si Juan at ang mga Alimango
Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. “Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.
Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.
…Ang kwento na pinamagatang Si Juan At Ang Mga Alimango ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay gawin ang mga utos na bukal sa kalooban lalo kung ito ay sadyang kailangan.
14. Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.
Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.
Ang kwento na pinamagatang Si Mariang Mapangarapin ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
15. Ang Punong Kawayan
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”
Ang kuwentong bayan na pinamagatang Ang Punong Kawayan ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao.
16. Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang?
Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.
Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon.
…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng kwentong “Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang?” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang kwento na pinamagatang Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang? ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay laging makinig at sumunod sa ipinag-uutos ng magulang upang hindi maparusahan.
17. Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw
Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.
Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.
…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng kwentong “Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang kwento na pinamagatang Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay pag-ingatan ang mga bagay na hindi mo pag-aari.
- Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?
Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat.
Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban nito.
…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng kwentong “Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang kwento na pinamagatang Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan? ay isang kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay iwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa.
19. Ang Alamat ng Saging
Noong unang panahon ay may isang napakagandang prinsesa, kaya siya ay tinawag na Mariang Maganda. Ang kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit na gubat na kung saan ay malayang nakakapamasyal ang mayuming kagandahan.
Ang gubat ay puno ng iba’t ibang magaganda, makukulay, at mababangong mga halamang namumulaklak. Nakagawian na ng prinsesang mamitas at mamasyal sa tila bang perpekting hardin para lamang sa isang prinsesang katulad niya.
…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng kwentong “Ang Alamat Ng Saging” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang kwento na pinamagatang Ang Alamat Ng Saging ay isang halimbawa ng mga kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay huwag manibugho at magnasa ng hindi mo pag-aari.
20. Alamat ng Mangga
Noong araw ang mga punong tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito’y maliliit at ang tawag dito ay “pahutan”. Matamis kapag hinog kaya gustong-gusto ng mga bata ang pahutan.
Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang dumaan sa bakuran ni Tandang Isko. Kusang loob na inalok ito ng mga hinog na prutas ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay itinanim nito ang mga buto ng pahutan sa tabi ng bukid at sa paanan ng bundok.
…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng kwentong “Ang Alamat Ng Mangga” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang kwento na pinamagatang Ang Alamat Ng Mangga ay isang kwentong bayan Tagalog. Ang boud ng kwentong bayan na ito ay ang taong mapagbigay ay lalong pinagpapala.