10 Maikling Kwento Na May Aral Tagalog

MAIKLING KWENTO NA MAY ARAL TAGALOG – Sa paksang araling ito maaring talaga kapupulutang ito ng aral. Lahat ng mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pagmamahal sa pamilya, kaibigan, pag-ibig, pangarap, kalikasan at iba at iba pa ay binubuo ng dalawa o higt pang mga tauhan.

Sa bawat isang halimbawa ng mga maikling kwento mayroong gintong aral ay maaring masaya o kalungkotan na mga kwento na makapag-bibigay inspirasyon sa atin

Sa pamamagitan nito’y sana maging halimbawa ang mga maikling kwento na may gintong aral ay gawing at maging inspirasyon natin ito para sa pagharap sa mga hamon sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mag nakaka-aliw at mga pambatang mga kwento.

Maikling kwento

Halimbawa Ng Maikling Kwento Na Pambata na may Aral

 

10 Halimbawa Ng Mga Maikling Kwento Na May Gintong Aral – Short Stories

Sa artikulong ito ipagpatuloy lang sa pagbabasa hanggang sa dulo nito para makita at malaman mo sa bawat isang halimbawa ng mga makling kwento na mapupulutan ng magandang aral. 

Ang maikling kwento ay nagbibigay sa atin ng gintong aral at nawa’y kayo masiyahan at gawing inspirasyon ang inyong pagbabasa.

1. Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas

Si Proserpina ay isang dalagang magandang-maganda. Katulong siya ng kanyang inang si Demiter sa pangangalaga sa mga halaman sa lupa. Kung minsan ang mag-ina ay namimitas ng mga bulaklak na basa pa ng hamog kung bukang-liwayway.

Kung minsan naman ay nakikipagsayaw si Proserpina sa kanyang mga kapwa dalaga sa gitna ng parang. Masaya ang buhay ng mag-ina.

Nang mga panahong yaon ay malungkot si Pluto. Nag-iisa siya sa kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Ibig niyang magkaroon ng reyna. Marami nang dalaga ang kanyang pinaghandugan ng mga mahal at magagandang hiyas, ngunit isa man ay walang mahikayat na tumira sa kanyang kaharian.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas.

Download

Aral:

  • Ang pagtupad sa pangako ay magandang kaugalian at nakaaangat ng dangal bilang isang tao.
  • Huwag ipilit ang sarili sa iba lalo na kung hindi ka naman niya minamahal sapagkat lalo ka lamang masasaktan.
  • Mahalin ang sarili at pumili ng tunay na magmamahal sayo.

2. Ang Batang Maikli ang Isang Paa

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doctor.

Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.

Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Batang Maikli ang Isang Paa.

Download

Aral:

  • Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag sa Panginoon.
  • Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo, kagaya ni mutya tinutukso siya ng mga kaibigan niya, ngunit hindi siya nagpapaepekto. Sa halip ay ipagpatuloy na linangin ang iyong kakayahan upang makamit ang iyong pangarap.

3. Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.

Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.

Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Si Mariang Mapangarapin.

 

Aral:

  • Hindi masama ang mangarap.
  • Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin ang kasalukuyan at mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
  • Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.

4. Si Juan, ang Pumatay ng Higante

Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang matandang lalake.

“Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.

“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.

“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo,” alok ng matanda.

Maikling Kwento Tungkol sa Pagmamahal Sa Pamilya

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Si Juan, ang Pumatay ng Higante.

 

Aral:

  • Huwag magnakaw o kumuha ng hindi sa iyo.
  • Ang hindi mo pag-aari ay agad na isauli sapagkat kung minsan, ikaw ang sumasalamin sa kung anong klase ng pamilya mayroon kayo.

5. Ang Batang Espesyal

Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay abnormal at ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang Pepe. Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe.

Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan.

Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak. Kahit binata na ay palagi pa ring nakasunod sa kanya ang kanyang ina.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Batang Espesyal.

 

Aral:

  • Iwasan ang pagiging mainggitin.
  • Bagamat may natatanging atensyon na ibinibigay lalo na sa mga mga special child, unawain na lamang natin sila.
  • Higit na pinagpala ka pa rin dahil hindi mo nararanasan ang pinagdadaanan nila sa araw-araw.

6. Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Dakilang Kaibigan.

 

Aral:

  • Sa kwentong ito, ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan.
  • Matutong sumunod sa nakatatanda o nakatataas sa iyo upang maiwasang mapahamak.

7. Modelong Bata

Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya’y hinarang ng limang batang lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo.

Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talaga kang matapang ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo,” ang hamon.

Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman tayo nagkagalit!”

“Umiiwas ang Boy Scout sa away.”

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Modelong Bata.

 

Aral:

  • Ang pambu-bully ay hindi magandang pag-uugali.
  • Iwasan ito sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa iyo lalo na sa taong binu-bully.
  • Hindi nasusukat ang katapangan sa salita kundi sa gawa.
  • Ang kayabangan ay maaring maghatid sa iyo sa kapahamakan kaya ito ay iwasan.
  • Maging palakaibigan sa lahat ng pagkakataon. Mas mainam ang nag-iipon ng kaibigan kaysa kaaway.

8. Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi.

Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Nawawalang Prinsesa.

 

Aral:

  • Maging masunurin sa magulang at iwasang gumawa ng mga bagay na ikalulungkot o ikagagalit nila.
  • Huwag aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam o walang nakakaalam kung saan ka pupunta. Marami nang napahamak sa ganitong gawain.
  • Kilalanin muna ang isang tao bago ito husgahan.
  • Ang mabilis na paghatol sa iba ay maaring magdulot ng sakit sa kalooban nila.

9. Wala na Siya

“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.

Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay punong-puno ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito.

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Wala na Siya.

 

Aral:

  • Kung ikaw ang nurse at sa iyo ay may magtanong, mangyaring ipaliwanag ng mabuti ang mga sagot sa taong nagtatanong upang hindi mabigyan ng ibang kahulugan ang sagot na iyong ibinigay.
  • Hindi na sana naging malungkot ang emosyon ni Ralph kung antimano ay naintindihan niyang nakauwi na pala si Donna at hindi ang inaakala niyang patay na ito.
  • Mabuti sa tao ang may pangarap. Mas maganda kung may kasama ka na makakatuwang upang maabot iyon. Ngunit kung sakali mang ikaw na lang mag-isa ang aabot sa pangarap na iyon, huwag mo itong susukuan at huwag na huwag kang magpapakain sa matinding lungkot.
  • Maaring may mga bagay na hindi mo maabot sa paraang nais mo ngunit kung magtitiwala ka sa Diyos ay siguradong may mas maganda siyang nakalaan para sa iyo.

10. Pambansang Pintor

Pambansang Pintor

“Anak,” malumanay at wari’y bantulot na wika ng ina kay Fernando. “Kailangang makapagpatuloy ka ng pag-aaral. Ang iyong Tiyo lamang ang makatutulong sa atin para makapag-aral ka. Papayag ka ba na tumira sa Tiyo Fabian mo?”

“Opo, Nanay,” walang atubiling tugon ni Fernando. “Kayo po ang masusunod; kaya lang magkakalayo po tayo.”

Pindutin ang button sa ilalim para ma download mo ang maikling kwento na pinamagatang “Pambansang Pintor.

 

Aral:

  • May mga bagay talagang kaylangang isakripisyo pagdating sa pag-abot ng pangarap.
  • Sa kwento ni Amorsolo, saglit man siyang nawalay sa piling ng ina ngunit nagbunga naman ito ng maganda at naging daan pa upang matupad ang pangarap niya at ng kanyang ina para sa kanya.
  • Lakasan ang loob at maging matibay sa mga hamon ng buhay.
  • Ilan lamang ito sa mga sangkap upang maabot ng isang tao ang kanyang minimithi sa buhay.

Konklusyon sa Mga Maikling Kwento Na May Gintong Aral Tagalog

Sa aralin na ito mayroon kayo mapupulutan ng aral sa mga maikling kwento, at mapapansin ninyo ang ilan sa mga kwento ay di nakalagay kung sino ang may akda. Ito’y sa kadahilanang hndi namin matagpuan ang orihinal na manunulat ng kwento.

Kung nalalaman ninyo kung sino ang orihinal na may akda/manunulat, mangyaring makipag-ugnayan kayo sa amin para ma-update at mai-credit ng tama ang halmbawa ng mga maikling kwento na may gintong aral.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maraming salamat sa pagbabasa! Kung may gusto pa kayong malaman tungkol sa mga maikling kwento na gintong may aral Tagalog o sa iba mang tupiko sundin lang mga link sa ibaba.

 

Leave a Comment