TULA TUNGKOL SA KAHIRAPAN – Sa paksang aralin ito’y inyong matutunan ay kimolekta at kimalap ng mga maikling tula ukol sa kahirapan ng mga makatang Pilipino. Mga halimbawa nitong maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay nagmula sa mga tunay nararamdaman ng mga puso ng mga manunulat.
Isa hadlang ng mga tao upang makamit ang panagarap ay kahirapan. Karamihan sa atin ay kapos rin sa pera na siya pangunahing kailangan natin para makabili. Ngunit sa kabila nito, ang mga Pilipino ay masayahin at matagtag kahit ano dinadanas na unos manatili parin nakangiti. Bukas ang ating mga puso isip sana may pagasang darating at makakaahon sa hirap ng buhay. Sana sa pamamagitan ng mga tulang nilalaman sa artikulong nito, gawing inspirasyon natin ito upang mag sumikap sa hirap ng buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ito ng mga manunulat ng tula tungkol sa kahirapan.
Tula Tungkol Sa Kahirapan – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kahirapan Sa Pilipinas
Manatili parin ang pagbabasa hanggang pagkatapos ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng bawat isang maikling Tula tubgkol sa Kahirapan. Nawa’y kayo nasiyahan at gawing inspirasyon ng mabasa itong halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan.
Sigaw Ng Mamamayan
Bawat oras na sumasapit
Patuloy paring pinipilit
Araw-araw na pamamaliit
Ano ba ang dapat ipalit?
Inay, itay
Kumusta ang ating bahay?
Hapag na puro lumbay,
Punong-puno ng kaaway.
Sumisigaw ang sikmura
Maaari bang kumain muna?
“Nasaan ang pagkaing inihanda?”
“Walang perang pambili” tugon ng naghihikahos na matanda.
Hamog sa umaga
Naiwang tulala
Isang batang nakanganga
Naghihintay ng mailalagay sa bunganga.
Eskwelahan dapat ang aming kinalalagyan
Nagsisikap para sa aming kinabukasan
Ngunit ano ang aming kinahinatnan?
Basurahan ang nagsilbing aming tirahan.
KAL-KAL
Mga batang nangangalakal
Laman ng basura ay kinakalkal
“PAGKAIN!PAGKAIN!”
Sumisigaw ang kanilang kalamnan kasabay ng sigaw ng kanilang tiyan.
“PERA!PERA!”
Namamalimos ang kanilang mga mata kaagapay ang kanilang kamay na mababali na
Maghapon ilan ang kita?
Wala pa atang singkwenta
Bukas ay pagiigihan ko pa
Ang hirap pala.
“KAHIRAPAN! KAHIRAPAN!”
Daing ng mga mamamayan
Lumuluha ang bayan
Para silang pinagtaksilan.
Isang libo, dalawa, tatlo
Puro utang na ito
Ano ang ipambabayad ko rito?
Aasahan na naman ang kakarampot na sweldo?
“Ang hirap maging mahirap”
Patuloy na daing ng mga naghihirap. “
Ang hirap maging mahirap”
Ngunit bakit hindi sila magsikap?
Pupunta sa barangay
Haharapin ang kaaway
“Ilang nga ba ang aking inutang?”
Tanong na walang humpay.
Ang iba ay pupunta sa Maynila
Nagbabaka-sakaling may mapapala
Puro na lang bahala
May napala? Wala.
Pamilya sa lipunan
Nakakulong sa kahirapan
Ang iba’y nangingialam
Ang sarap magpatiwakal.
“HINDI TAYO BAGKUS ANG GOBYERNO”
Patuloy na iginigiit
Huwag mo nang ipilit
Binabalot ka na ng iyong galit.
Gobyerno ang sinisisi mo
Sa kahirapang dinadamdam niyo
Kababayan, kasalanan ba ng gobyerno?
Ikaw itong nag-anak ng labing pito.
“HINDI TAYO HINDI ANG GOBYERNO ANG MAY SALA DITO.”
Isang tinig ang lumapit
Nais tunawin ang iyong galit
Magising ka hindi ka minamaliit.
Tumayo ka at magsikap
Manatili kang lubag
Pagkat parating na ang liwanag
Tanggalin lahat ng bagabag.
Ika’y magsikap at makakamtam mo ang asensong aahon sa lugmok ng kahirapang hinihimlayan mo.
Tula tungkol sa kahirapan ni misswithglasses
Ang tulang pinamagatang Sigaw Ng Mamamayan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Ang Kahirapan
Kahirapan,kahirapan,
Isang malaking problema ng bayan,
Maraming naaapektuhan na mamamayan
Lalo’t higit ang mga kabataan.
Kahirapa’y pwede namang matugunan,
Tumulong lang gobyerno’t pamahalaan,
Isama na rin ang mamamayan,
Upang ang kahirapan ay masolusyonan.
Kahirapa’y atin ding problema,
Lalo na’t tayo’y mga bata pa,
Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa,
Dahil balang araw,Aahon rin tayo sa kahirapang ating problema.
Sabi nga ni Gat Jose Rizal,tayo ang pag-asa ng bayan,
Tayo ang mag aahon sa ating kahirapan,
Ngunit dapat natin itong pagsikapan,
Upang lahat ng dadating na pagsubok,ating matagumpayan.
Ako’y isang batang nangangarap din,
Ngunit hindi ang kahirapan ang siyang hahadlang sa akin,
Pag-aralan ko lang ang mga aralin,
Upang walang dudang makakamit ang aking mga mithiin.
Para sa inyong nangangarap katulad ko,
Sana’y huwag lalaki ang ulo niyo,
Dahil mga magulang nati’y nagsisikap ng husto,
Upang lahat ng ating mga pangarap ay walang duda nating matamo.
At iyon lang po,
Sana’y nagustuhan niyo,
Ang handog kung tula para sa inyo,
Na tungkol sa kahirapan na ngayo’y problema ng lahat ng tao.
Tula tungkol sa kahirapan mula sa Mga Tulang Tagalog PH
Ang tulang pinamagatang Ang Kahirapan ay isang itong halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Kahirapan
Talagang tanyag ang kahirapan
sa ‘di maunlad na mga bayan.
Para ‘tong sakit na kumakalat
na kasimbilis ang isang kidlat.
Ang mga tao ay naghihirap,
nawawala ang lahat ng sarap
Kanilang pera’y nagsisiwala
pati kanilang mga biyaya.
At dahil sila ay nagigipit,
sila tuloy ay napapakapit
sa kutsilyo at mga patalim.
Kanilang buhay ay dumidilim
Ngunit ano bang mga dahilan
kung bakit tayo’y nahihirapan?
Sino ba ang dapat nating sisihin
sa lahat nitong ating pasanin?
Edukasyon ang isa sa mga dahilan.
Ang tao’y kulang sa kaalaman.
Sila ay hindi nakapagaral
kung kayat sila ay mga hangal.
Tayo ay dapat ding magsumikap
upang magkaron ng hinaharap.
Dapat gumising sa kamusmusan
para sa ating kinabukasan.
Ang katapata’y kailangan din
upang umunlad ang ating bayan.
Ang karunungan ay pagsikapan
upang talino’y ating makamtan.
Ang aral nitong tulang sinulat
ay tungkol sa ‘ting pagiging salat
sa mga biyaya ng ating daigdig
at mga bagay na ating ibig.
Tayo man ngayon ay nahihirapan
‘di natin dapat ‘to pabayaan.
Ang dapat nating pinupuntirya
sa kahirapa’y maging malaya.
Tula tungkol sa kahirapan mula sa pdfcoffe.com.
Ang tulang pinamagatang Kahirapan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Mukha ng Kahirapan
Araw araw ikaw ay tinatalakay
Minsan sa labas o loob ng bahay
Na para bang itoy parte na ng buhay
Di namamalayan ikay sumasalakay
Anu nga ba itong aking tinutukoy
Huwag na tayong magpaligoy ligoy
Katumbas ito ng yong mga panaghoy
Sa kabila nitoy kailangang magpatuloy
Bakit nga ba mayroong kahirapan
Maraming taong nakikipagsapalaran
Minsan hindi mapalad ang kapalaran
Ang paghihikahos walang hangganan
Anu nga ba ang tunay na dahilan
Kung bakit may taong nahihirapan
Ito ba ay dahil sa kanyang katamaran?
O sadyang siyay napapagsamantalahan
Ika nga nilay buhay ay di perpekto
Minsan ikay talo , minsan ikay panalo
Pero dapat tandaan huwag manloloko
Maging mabait ang maging totoong tao
Marahil tayoy may ibat ibang opinyon
Mayroong kokontra at may sasang ayon
Anupaman sa buhay ang yong pagdadaanan
DIYOS ay nariyan yan ang lage mong tandaan
Tula tungkol sa kahirapan ni Zephalexia
Ang tulang pinamagatang Muka Ng Kahirapan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Hinagpis
I.
Hindi ka na bago! Dati mo ng alam
ang hindi pag-imik kung naguulayaw;
ako’y pinipipi ng aking paggalang,
ng aking pagsuyong mataos, dalisay.
II.
Pinunit sa harap upang makilala
ang alab ng aking sinimpang pag-sinta,
diyan masusubok ang mithi ko’t pita,
diyan masisinag ang luksang pag-asa.
III.
Wala ka ngang sala…! Ang kurus ng hirap
ay dapat matirik sa dusta kong palad!
Ako ang pulubing sa tinawag-tawag
ay lalong inapi… binigyang bagabag…!
IV.
Di ko akalaing ang langit ng puso
ay mangungulimlim… biglang maglalaho,
di ko akalaing sa likod ng samyo
ng mga sampaga’y may lihim na suro…!
V.
Animo’y nagtikom sa gayong sandali
ang pintong maramot ng awa’t lwalhati,
sa aki’y para nang ang kahilihiling
sinag ng ligaya’y lumubog, napawi…!
VI.
Ngayo’y pamuli pang umaawit-awit
sa dilag mong kimkim, gandang maka-Langit,
kung may alinlangan sa taghoy, sa hibik,
ay maging saksi pa ang aking hinagpis.
Tula tungkol sa kahirapan gabay.ph
Ang tulang pinamagatang Hinagpis ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Dalamhati
I.
Aninong malungkot noong kahirapan
ang buhay ng tao sa Sangsinukuban,
ang tuwa’t ligaya’y hinihiram lamang
kaya’t ulap waring dagling napaparam.
II.
Ang mabuhay dito’y kapangápanganib
sa munting paghakbang ay silo ng sakit,
umiibig ka na ng buong pagibig
ay ayaw pang dinggin ¡ay himalang langit!
III.
Hindi ka tatamo ng bahagyang galak
kundi pa matulog at saka mangarap,
gayon man, kung minsa’y paos na nanawag
sa pagkakahimbing ang tinig ng hirap.
IV.
Sa paminsanminsan, sa aking gunita
mga pagsisisi yaong tumutudla.
Bakit pa lumaki’t natutong humanga’t
ang paghanga pala’y kapatid ng luha?
Tula tungkol sa kahirapan gabay.ph
Dalamhati ay isang halmbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay dito sa Pilipinas. Pinapakita sa tulang ito na dapat magsumikap tayo sa buhay at huwag tayo mawalan ng pag-asa ma balang araw ay giginhawa din tayo sa buhay.
Tula Tungkol Sa Kahirapan – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kahirapan Sa Pilipinas
Ang Hamak Na Palad
Aywan ko kung ikaw’y magtaglay pang awa
sa nagsisi ko nang lakad at akala,
aywan ko kung ikaw’y kulang pang tiwala
sa mga nasayang at natak kong luha.
Kung natatalos mo ang luhang nasayang
sa mata ko’t pusong laging naglalamay,
sana’y nasabi mong mayrong katunayan
ang dinaranas kong mga kahirapan.
Ang hinanakit mo, sumbat at paglait
ay pawang nakintal sa dila ko’t isip,
at ang ating lihim sa silong ng langit
ay siyang sa aki’y nakakaligalig.
Pinag-aralan kong ikaw’y kausapin
nang upang ihayag ang buo kong lihim,
lihim ng sa wari’y nagbigay hilahil
sa napakabatang puso mo’t paggiliw.
Ang pagtatapat ko’y di mo minarapat
ang kawikaan mo, ako’y isang hamak,
ang naging ganti mo sa aking paglingap
ay isang libingan at krus ng hirap.
Ang hamak nga nama’y hindi naaayos
umibig sa isang Reyna ng Kampupot,
ang hamak na palad ay dapat umirog
sa kaisa niyang hamak di’t busabos .
Maaari kayang ang isang granada’y
maihulog sa di gusto ng princesa?
maaari kayang ang isang sampaga’y
makuha at sukat ng taong bala na?
Kay laki ng agwat ng palad ta’t uri,
ikaw’y isang langit na kahilihili
at ako ay isang hamak na pusali,
ikaw ay sariwa at ako’y unsyami.
Ang panghihinayang ang siyang nagtulak
na kita’y mahalin ng buo kong palad.
Ang panghihinayang ang siyang nagatas
na kita’y itala sa aking pangarap.
Kung ikaw sa akin ay walang hinayang
sa aki’y sayang ka at sayang na tunay,
sabihin na akong kasakimsakiman
at ikaw sa iba’y di mapapayagan.
Lalo pang mabuting kanin ka ng lupa
kay sa mahulog ka sa ibang binata,
Iba pa ang iyong bibigyang biyaya
gayong ako’y uhaw sa iyong kalinga…?
Ipinipilit mong tayo’y pupulaan
kung sa lihim nati’y mayrong makamalay,
at sinong pangahas ang pagsasabihan.
nitong ating lihim sa sangkatauhan?
Ako’y nagsisisi’t nabigyang bagabag
na naman ang iyong tahimik na palad,
kundanga’y ang iyong bangong walang kupas
sa pagiisa ko’y siyang nasasagap!
Sa kahilingan mo, kita’y lilimutin
kahit nalalaban sa aking damdamin,
nguni’t ang samo ko’y iyong idalangin
ang papanaw ko nang ulilang paggiliw.
Tula tungkol sa kahirapan mula sa gabay.ph
Ang tulang pinamagatang Ang Hamak Na Palad ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Walang Laman
Tiningnan ko ang aking pitaka, walang laman.
Bayaran pa naman ng renta ngayong buwan.
Nakiusap na ako sa may-ari noong nakaraan,
baka ngayon ay hindi na niya ako pagbigyan.
Tiningnan ko ang ref, walang laman.
Kumakalam pa naman ang aking tiyan.
Kagabi pa ako walang hapunan,
ganoon na rin siguro ngayong agahan.
Tiningnan ko ang balita, walang laman.
Ang mga presyo ng bilihin, mataas na naman.
Parang wala namang ginagawa ang pamahalaan,
palibhasa sila kasi ang lalong yumayaman.
Tiningnan ko ang aking kinabukasan, may laman.
Pag-asa ko ay hindi pa naman nawawalan.
Sana ay magbago pa ang aking kapalaran,
nawa ay makaahon pa ako sa kahirapan.
Tula tungkol sa kahirapan mula sa panitikan.com.ph
Ang tulang pinamagatang Walang Laman ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
KAHIRAPAN, KANINO BA DAPAT SISIHIN
Isang buhay na sisilip pa lamang
sa katanghalian ay nahagkan
ng gutom, dusa at iba pang dahilan,
kamatayan, sa huli ang pinagnilayan
lubid sa kisame ang pinagdulugan.
Ang mga malilinis at walang sala
Nagsalitana’t kapagdaka
Nagturo na at nagbabala pa
Mauulit pa ito, manalig ka.
At dahil walang dungis ang kamay
at ang mukha’y walang mumong masulyapan
naghanap na sila, ng turo ay paglalaanan.
Ang pamahalaan ang inuna sa listahan.
Kahit pa ang kahirapan
ay kalansay ng dating pagiging kolonya,
Sa namumuno sinisi ang hatol ng buo.
Kahit na sa istruktura
ng kapangyarihan, ang nagpangyari
ng bangungot, isini ito ng walang bawas
sa kung sino ang taas.
Kahit na ang kamay ng Diyos
ang minsan tumadhana,
ng bagyo, lindol at pagguho ng tahimik
na kabundukan, na nagbayo ng palay ng kahirapan,
sino ang sinisi sa tutong na hapunan?
Walang iba, walang iba, ang pamahalaan ang
animong kalan.
At kahit na ang kahirapan
ay ihip ng hangin ng di pangkakapantay pantay,
ano ba naman ang nalalaman nilang
may malilinis na salawal at saya,
Ang gobyerno lamang ang hubad na may sala.
At dahil ang, ang gobyerno ay tatatlong kulayin,
Ang sinisisi, naninisi at walang pakialaman,
Mararapat na siguro sa pangulo na lamang
isisi ang lahat,
Kaniyan man o hindi ang buong sala,
siya na rin, siya rin, ang buong buong ating sisihin.
Tula tungkol sa kahirapan mula sa slideshare.net
Ang tulang pinamagatang Kahirapan, Kanino Ba Dapat Sisihin ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
NAGDURUSANG MUNDO
I
Sa kabila nitong pag-unlad ng tao
Ay patuloy na pagdurusa ng mundo
Hindi na maaring solusyonan
Ngunit maari pa nating iwasan
II
Naalala mo ba ang mga basura
Na iyong nakita kaninang umaga
Ito’y nakakalat lamang sa kalsada
Pero iyong isinawalang bahala
III
Napapansin mo pa ba ang mga ilog
Mga bayan tuwing may bagyo ay lubog
Resulta ng pagputol ng mga puno
At polusyon na kumakalat sa pulo
IV
Naamoy mo ba ang mabahong hangin?
Basura ay nakita sa ‘yong pagtingin
Langhap mo ang hanging nakakasulasok
Ito ay nagmumula sa mga usok
V
Halina at simulan nating aksyunan
Ang problemang malabong masolusyonan
Ngunit tayo ay dapat pa ring kumilos
Upang maiwasan na ang mga unos
Tula tungkol sa kahirapan ni Geraldine Bielle F. Espiritu
Ang tulang pinamagatang Nagdurusang Mundo ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
BAYANG NANGANGANIB
Ano ba ang nangyayari sa lipunan?
Punong-puno ng galit at karahasan.
Pagnanakaw, kawalan ng karapatan,
At ang mga dukha nilalapastangan.
May kapangyarihan ‘man tayong maghalal,
Ngunit ating binoboto, mga hangal!
Di nila pinapansin an gating dangal
At nagbabalotkayo silang marangal.
Nagtiwala tayo sa tiwaling pulis,
Kapag nahuli, sila’y nagmamalinis.
Sabi nila, ‘di sila nagmamalabis
At akala mo sila pa ang nagtiis.
Maraming kriminal ang napapapatay
Sapagkat ayaw nilang magbagong-buhay
Dahil wala sila ibang hanap-buhay
Sa krimen nalang sila nakasalalay
Ang sabi, “Wag mawawalan ng pag-asa”
Dahil dito, maraming naniniwala
Pakiusap ko, tayo’y magbago na
Bago ang pag-asa’y tuluyang mawala.
Tula tungkol sa kahirapan GABRIELE TALUB
Ang tulang pinamagatang Bayang Nanganganib ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Nasaan na?
Sa aking tula na kung tawagin
Kaunlaran, pagbabago ang kaniyang mithiin
Pagbabago, Kaunlaran ang sigaw ng karamihan
Ngunit ano ba? Ano na ba ang nangyayari sa ating lipunan
Sa ating lipunan na puno na ng patayan
Sa ating lipunang sanhi’y kahirapan
Sa ating lipunang laganap ang kasamaan
Mga babaeng ginagahasa sa lansangan
Mga batang musmos pa lamang ay gumagamit na ng shabut marijuana
Ano ba? Ano na ba ang nangyayari sa ating lipunan
Mga pamilyang walang tirahan
Mga pangakong di nasisimulan
Mga pamilyang gutom
Mga taong sa droga’y nalulong
Ano na ba? Ano na ba ng nangyayari sa ating lipunan
Nasaan na ang kaunlaran?
Nasaan na ang pagbabago?
Nasaan na ang mga pangako?
Mga pangako ng pamahalaan
Mga pangako na ating pinaniwalaan
Nasaan na? Nasaan na?
Sa tuwing sasapit ang gabi
Ang mga kalyeng datiy tahimik
Ngayoy mga kandila na ang nakatirik
Marami na ang namamatay
Mga buhay ng inosentey nadadamay
Ano ba? Ano na ba ang nangyayari sa ating lipunan
Sa tuwing sasapit ang gabi
Naiisip ko
May inosente na namang madadamay
May mga buhay na namang makukuha
May mga pamilya na namang magdurusa
Mga taong walang kamalay malay
Makikita mo na lamang na nakahandusay
Sa kumpanya laban sa droga
Na ngayoy iba na ang naging resulta
Ito ba? Ito na ba ang piniling buhay na makatarungan
Mahal ba talaga natin ang ating bayan?
Ano ba? Ano nga ba ang rason?
Bakit nila ito ginagawa?
Bakit nila ito nagagawa?
Dahil nga ba ito sa kahirapan?
Kahirapan?
Kahirapan na sa pagmulat pa lamang ng aking mga mata’y akin nang nakagisnan
Sobrang hirap, sobrang hirap na Makita
Ang aking mga kababayang salat sa kahirapan
Walang makain walang tirahan
Sobrang hirap na isipin na sa kabila ng lahat ay wala paring nangyayari
Sabi ko nga, diyos na ang bahala
Ngunit masakit parin isipin na wala tayong magawa
Ito ba? Ito na ba ang piniling buhay na makatarungan
Mahal ba talaga natin ang ating bayan?
Ano ba? Ano na ba ng nangyayari sa ating lipunan
Nasaan na ang kaunlaran?
Nasaan na ang pagbabago?
Nasaan na ang mga pangako?
Mga pangako na ating pinaniwalaan
Ano ba? Ano na ba ng nangyayari sa ating lipunan
Nasaan na ang kaunlaran?
Nasaan na ang pinangakong pagbabago?
Nasaan na ang mga pangako?
Mga pangako na ating pinaniwalaan
Na hanggang ngayoy sa salita na lamang mararamdaman
Na hanggang ngayoy di pa natin nakakamtam
Nasaan na? Nasaan na?
Tula tungkol sa kahirapan mula sa charlottecaragblog.wordpress.com
Ang tulang pinamagatang Nasaan Na? ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.