SANASAY TUNGKOL SA PANGARAP – matutunghayan ninyo sa paksang aralin ito naming kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay ng mga makatang Pilipino. Halimbawa ng mga ito ay mga di pormal na maikling sanaysay ukol sa tagumpay at pagkamit sa pangarap sa buhay ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga manunulat.
Sana sa pamamagitan nitong mga sanaysay tungkol sa pangarap ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay at makamit sa ating pangarap. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng sanaysay tungkol sa pangarap.
Sanaysay Tungkol Sa Pangarap – 8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pangarap Sa Buhay Tagalog
Narito ang mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Pangarap.
- Ang Pangarap Ko Sa Buhay
- Sa Pagkamit Ng Mga Pangarap
- Sa Rurok Ng Tagumpay
- Aking Pangarap
- Buhay Ng May Pangarap At Hangarin
- Ang Aking Pangarap
Sanaysay mula sa alstutor.wordpress.com - Ang Aking Pangarap
Sanaysay mula sa johnmarlonabat28.blogspot.com - “Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap”
Sanaysay Tungkol Sa Pangarap – 8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pangarap Sa Buhay Tagalog
Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling Sanaysay Tungkol sa Pangarap. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pangarap.
Ang Pangarap Ko Sa Buhay
Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan.Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.
Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming mamaahon sa kahirapan.Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa kolehiyo.Kaya,pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay.Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong kapatid.Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso.
Sa ngayon ako po ay patuloy na umaasang maisakatuparan ang tanging pangarap.Alam kong ang aking mga pangarap ay kayang abutin sa tulong ng Poong Maykapal at sa mga taong nakapaligid sa akin para maisakatuparan ko ang matagal ko nang pinapangarap na pumasa sa pasulit.
Sanaysay tungkol sa pangarap tagalog mula sa millionmiler.com
Ang sanaysay na pinamagatang Ang Pangarap Ko Sa Buhay ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Sa pagkamit ng mga pangarap
Tayong mga tao na nabubuhay sa mundo ay mayroon tinatawag na pangarap. Isang bagay na nais nating makamit o maabot na ating pinagsusumikapan. Bawat tao ay may iba’t ibang pagiisip kaya naman may kanya kanya tayong pangarap sa buhay. Mga pangarap na nagsisilbing isa sa ating inspirasyon kung bakit tayo ay determinado at nagsusumikap sa ating mga ginagawa. Ang pangarap ay hindi madaling makamit ngunit tiyak mo na maaabot ang pangarap kung ikaw mismo ay mayroong pagtatyaga at pagsisikap. Pagtatyaga at pagsisikap sa buhay ang isa sa mga sagot upang maabot ang pangarap. Idagdag mo pa ang determinasyon at tamang diskarte sa buhay sa pagkamit ng pangarap mo sa buhay.
Madalas tayong sabihan ng ating magulang na magaaral mabuti dahil tanging edukasyon lang ang kayamanan na maipapamana na hindi makukuha ng sino man. Ang edukasyon lang ang kayamanang na maipapamana na hindi makukuha ng sino man. Ang edukasyon ay walang pinipiling edad at estado ng pamumuhay. Edukasyon rin ang pwedeng maging daan upang makamait mo ang inaasam mong mga pangarap. Maaring sa edukasyon ay mas maaaninagan mo ng husto ang daan tungo sa pangarap mo. Ang edukasyon rin ang huhubog sa isang tao para maging handa at preparado sa pagkamit ng kanyang mga pangarap. Ang edukasyon rin ang nagpapaigting sa kaalaman ng isang tao upang lubos na makita pa ang mga bagay na tatahakin ng tao sa pagkamit ng kanyang mga pangarap.
Kaya habang may oras pa lubus- lubosin natin ang mga pagkakataon sa pagaaral. Tayo ay magaaral mabuti kung gusto natin na maabot ang ating mga minimithing mga pangarap. Isa pang bagay ang pwedeng maging susi o daan sa pagkamit ng mga pangarap ay ang tamang desisyon sa buhay. Bawat tao ay binigyan ng tamang pagiisip at karunungan. Ang karunungan ang ginagamit sa tamang pagdedesisyon sa buhay. Pagdedesisyon sa buhay ay makakapaghatid rin sa tao tungo sa minimithing mga pangarap. Sa bawat nangyayari sa buhay ng isang tao ay karamihan ay sanhi ng pagdedesisyon. Kaya hindi biro ang pagdedesisyon. huwag gawing biro ang mga bagay at sitwasyon dahil sa maling desisyon ay pwede maapektuhan ang iyong hinaharap.
Sa pagdedesisyon marami dapat ang kinokonsidera. Maging mga bagay bagay na dapat mas binibigyan ng atensyon at importansya kay sa mga iba pang bagay. Mas dapat tinutuunan ng pansin ng mga tao ang mga bagay na masnakakabuti kaysa sa pang-sarili at panandaliang kasarapan. Dapat tayong mga tao ay alam natin ang tama sa mali. Lagi natin tandaan ang mga bagay na mas pinagtutuunan ng pansin. Maging ating mga kahinaan na dapat nating pinapalakas at pinapalago. Sa pagdedesisyon laging isa alang ala ang mga pwedeng kakahinatnan ng magiging desisyon mo. Tanging ikaw lang ang makakapaghatid sa iyong sarili tungo sa iyong mga pangaraop kaya malaki ang epekto ng iyong sariling desisyon sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Laging tandaan na sa bawat maling desisyon nasa huli ang pagsisisi.
Sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay mula sa julietoastudillo.blogspot.com
Ang sanaysay na pinamagatang Sa pagkamit ng mga pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Sa Rurok Ng Tagumpay
Sa araw-araw nating pakikipaglaban upang mabuhay, maraming mga pagsubok ang ating nakakasalubong sa lansangan. Minsan tayo ay pinalad at minsan nama’y umuwi tayo ng luhaan. Walang perpektong nilalang sa mundong ibabaw ika nga, kaya dapat alam mo sa iyong sarili kung hanggang saan aabot ang iyong mga ngiti sa kasiyahan at mga luha sa kalungkutan.
Walang madali sa lahat ng aspeto ng ating buhay, lahat ng mga bagay ay ating pinaghirapan, dugo at pawis ang ating pinuhunan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangarap, kanya-kanyang deskarte at kanyakanyang plano kung paano makatakas sa madilim na kulungan. Hindi hadlang ang pagiging mahirap sa taong malawak ang kaisipan at sa mga taong may responsibilidad sa kanyang mga ginagawa.
Kung ikaw ay tunay na nagsikap, hindi malayong masungkit mo balang araw ang iyong mga pinapangarap. H’wag kang sumuko sa bakbakan, kung kaya mo pang makipag laban lumaban ka at ipakita mo sa iyong sarili na kaya mong makipagsabayan sa kahit anomang larangan. H’wag kang matakot na harapin ang kasalukuyan, yakapin mo kung ano man ang iyong madatman at h’wag mo basta-bastang pakawalan.
Kung kayang gawin ng iba, bakit hindi mo magawa? Tandaan, kung hindi mo subukan, kung hindi ka tataya sa sugalan, hindi mo malalaman ang tunay na dahilan sa mundong iyong ginagalawan. Hindi mo makamit ang tunay na tagumpay kung nakaupo ka lang at nakatungangang naghihintay. Ang bawat segundo at minuto katumbas ay ginto, h’wag mong sayangin ang mga oras at panahon sa mga bagay na wala namang patutunguhan.
Maraming klase ng bagay o ng iyong mga ginawa ang masasabi mong napagtagumpayan mo sa mga panahong naigapang mo lahat ng walang pagaalinlangan. Mapalad ka kung ito’y iyong natatamasa ngunit pakitandaan hindi lahat ng tagumpay ay naaayon sa takbo ng iyong buhay. Kaya’t h’wag kang magkakamaling lumingon sa iyong pinanggalingan. At h’wag kang magpakalunod sa karangyaan.
Panatilihing nakaapak pa rin sa lupa ang dalawa mong mga paa. H’wag kang mapagmataas sa kawpa, sa halip ay tulungan mo silang makalipad ng malaya. Maging instrumento at insipasryon ka sa nakakarami, higit lalo h’wag kang makalimot magpasalamat sa itaas. Ang biyaya ay hindi dapat pinagkait sa kapwa, ang biyaya ay dapat pagsaluhan ng bawat isa.
At dapat lagi kang handa at pagtibayin mo pa lalo ang iyong sarili sa kung ano pang unos ang darating sa iyong buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa rurok ka ng iyong tagumpay, bawat araw, linggo, buwan at taon ay may dumadating na bagyo sa iyong buhay.
Dahil hindi mo naman talaga hawak kung ano ang sinasabi ng iyong kapalaran kaya’t dapat alam mong balansehin ang sukat ng langit at ang lupang iyong inaapakan.
Sanaysay tungkol sa pagkamit ng pangarap sa buhay ni 19BlackDiamond86
Ang sanaysay na pinamagatang Sa Rurok ng Tagumpay ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Aking Pangarap
Ang pangarap ng isang indibidwal ay nakakamit lamang sa pamamagitan ng kanyang kasipagan at interes na makamit ito.Binibigyan nito ng importansya ang sarili na matulungan na maiangat ang antas ng kanyang buhay tungo sa magandang kinabukasan at sa hinaharap.
Ang aking sanaysay na ang tanging nilalaman nito ay tungkol sa aking mga pangarap. Sa dinami-dami man ng pagsubok ay di ko nagawang bumitaw sa mga ito, sa kadahilanang gusto kong ipakita sa aking pamilya na kaya kong mabuhay at buhayin ang mga taong nakapaligid sa akin at patuloy na sumusuporta sa aking pag-aaral.Pangarap kong makapagtapos ng kolehiyo para makatulong sa aking pamilya na maiangat ang buhay namin sa kahirapan.Meron tayong kasabihan na,” Education is the key to success”, at ang kahirapan ay di hadlang sa pagkamit nito. At kaya pangarap kong makapagtapos, dahil sa paraang ito ay maipapakita ko sa mga magulang ko na kaya kong makipagsapalaran sa buhay at kaya ko silang bigyan ng isang titulo na galing sa pagod at pawis nila maghapo’t magdamag. At naniniwala ako na ang pangarap ng isang tao ay siyang sumasalamin sa mga mithiin niya sa buhay.
Kaya ngayon ay nag-aaral ako sa ALS, nagsusumikap na ako ay pumasa upang sa gayo’y maipagpatuloy ko ang aking naudlot na mga pangarap. Pero kung ako man ay mabigo hindi ito dahilan upang ako ay susuko. Bagkos babangon ako at huwag mawalan ng pag-asa, dahil hindi ito hadlang sa pagkamit ko sa aking mga pangarap. Basta’t magtiwala ka lang sa sarili mo at pananalig sa maykapal, lahat ng mithiin mo sa buhay ay kayang makamit at ang inaasam na tagumpay.
Sanaysay tungkol sa pangarap tagalog ni FineHub
Ang sanaysay na pinamagatang Aking Pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Sanaysay Tungkol Sa Pangarap – 8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pangarap Sa Buhay Tagalog
Buhay ng may Pangarap at Hangarin
Tayo ay may mga pangarap o mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging inspirasyon natin upang tayo ay magpursige para makamit ang mga pangarap o mga layunin na ito. Ngunit kailangan nga ba natin malalaman kung itong pangarap na ito ay para sa atin? Kung ito bang mga hangarin na ito ay makakaya natin? Ilan lamang ito sa mga tanong na laging umiikot sa ating isipan kapag nagtatalakay tayo tungkol sa mga bagay na iyon. Meron tayong kanya-kanyang mga pangarap at mga layunin o goals sa ating buhay. Gaano man ito ka simple pakinggan o pag aralan ay meron pa rin tayong mga pagsubok o mga problema na mahaharap. Tayo ay nilikha ng Diyos ng pantay-pantay ngunit lahat tayo ay kakaiba at may kanya-kanyang kakayahan. Isa na rin ang pagiging “unique” ng mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay na kung saan tayo lang ang nakakagawa o nakakaisip tungkol ditto. Ngunit, paano nga ba natin naiisipan ang mga bagay na ito? Kung ano ang mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay? Kung ano ang mga pagsubok at kung paano ito malalampasan at ano ang mga dapat gawin upang maging matagumpay tayo sa mga pangarap at mga hangarin na ito.
Uunahin natin kung paano nga ba natin naiispan ang pangarap at mga layunin natin sa buhay? Alam naman siguro natin na nagsisimula tayo mag-isip tungkol sa mga pangarap natin noong tayo ay nasa kinder hanggang elementary pa lang. Ang mga pangarap na iyon ay parang mga “childhood crush” lang natin, mga “pansamantalang pangarap” lamang. Kaya naman hindi tayo gaano ka seryoso tungkol sa mga bagay na ito noon. Hindi pa natin ito gaano iniisip o inaalala dahil yun nga, mga ‘bata’ pa tayo. Ngunit pagdating ng high school, ay doon na tayo nagiging seryoso sa mga bagay na dapat seryosohin. Unti-unti ring bumubuo ang pangarap na gustong-gusto talaga natin. At mas lalong lumalalim ang mga hangarin na pinaghahandaan natin upang makamit iyon. Ngunit sa ibang tao ay iba ang kanilang pananaw pagka dating nila sa buhay high school. Hindi pa gaano kalalim ang mga pangarap at layunin nila sa buhay. Ang iba ay doon na nakakaisip ng malalim na mga pangarap at layunin pag dating ng Grade 10 o yung iba naman ay pag dating ng senior high school. Sa mga panahon na iyon ay mas lalong nagiging mature ang pag-iisip ng mga estudyante at doon nagbubuo ang mga pangarap at mga hangarin nila sa buhay.
Ngayon at alam na natin kung paano nagsisimula na pag-isipan natin ang mga bagay na iyon, aalamin naman natin kung ano ang mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay. Hindi lahat sa atin tayo ang pumipili sa mga pangarap natin sa buhay. Ang iba ay mga magulang nila ang pumipili kung ano ang kinabukasan nila dahil sa kanila ito ang magaangat sa kanila sa buhay. Ang iba naman ay may kalayaan na pumili sa kung ano ang gusto nilang kinabukasan. Dahil alam nila na doon sila magiging masaya. Para sa akin, mas gugustuhin ko talaga na ako ang pipili sa kung ano ang magiging kinabukasan ko dahil ako ang may alam sa kung ano ang kayang kong gawin o kung ano ang mga kakayahan ko at kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa isang bagay at pagdating naman sa problema ay agad kong mahahanap ng solusyon iyon kapag may tamang kaalaman at kakayahan ako.
Ano nga ba ang mga pagsubok na maaaring makaharap natin tungo sa pagkamit ng ating mga pangarap at mga hangarin sa buhay? Unang-una na maaaring makaharap na pagsubok natin ay kakulangan sa pera upang makapag-aral. Minsan talaga sa buhay ay may mga hindi inaasahang mga pangyayari o problema na bigla nalang darating sa buhay natin kaya naman dapat laging handa tayo kung sakaling darating ang mga pagsubok na iyon. Wag rin tayong mahiya na humingi ng tulong sa mga pamilya at malalapit na mga kaibigan natin. Huwag tayong agad sumuko kapag nahihirapan na tayo. Dahil hindi natin alam na isang hakbang nalang pala ay mahahanap na natin ang solusyon sa ating mga problema. Kung sakaling magkamali ka sa isang bagay ay huwag agad ito maging dahil na susuko ka dahil lahat ng pagkakamali ay isang aral na mapupulot natin upang mas lalong bubuti ang susunod na mga hakbang na gagawin natin. Gawing inspirasyon ang mga pangarap at mga hangarin na ating napili upang mas lalo tayong magpupursige, lalo na sa pag-aaral, upang makamit natin at maging matagumpay tayo sa ating kinabukasan at mabigyan rin tayo ng kasiyahan at mabigyan tayo at ating mga pamilya ng magandang buhay. Maraming magsasabi na “Sumuko ka na. Mas lalong mahihirapan ka lang niyan.” Wag mo silang pakinggan dahil ikaw lang ang nakakaalam sa kung ano ang kayang mong gawin at kung saan hahantong ang hirap na hinaharap mo upang makamit lang ang kaligayahan tungo sa mabuting kinabukasan.
Ako rin ay may pangarap at mga hangarin.” Pangarap kong maging isang piloto balang araw. Gusto ko ring libutin ang buong mundo at maging matagumpay sa aking trabaho. Mahirap man makamit ang aking pangarap at mga hangarin, ay hindi ito naging hadlang upang sumuko ako na makamit ito dahil alam ko na ito talaga ang gusto kong gawin at ito rin ang magpapasaya saakin. Supportado naman ako ng aking magulang dahil alam nilang masaya ako sa kung ano ang gusto ko sa buhay at alam rin nila na ito ang makakabuti sa akin. Tulad ng sinabi ko, hindi talaga natin nahahanap ang ating pangarap sa buhay nung tayo ay bata pa. Nung bata pa ako ay pangarap ko maging isang nars dahil gusto ko maging katulad ng mama at papa ko na mga nars rin. Ngunit pagdating ko ng high school ay bigla nagbago ang isip ko at doon ko nahanap kung ano talaga ang pangarap ko sa buhay. Ang maging isang piloto. Dati pa ako napahanga sa kung ano talaga ang ginagawa ng isang piloto. Kaya naman lagi akong nag-aaral kung ano ang ginagawa ng trabaho na iyon. At ngayon na malapit na akong mag kolehiyo, mas lalong lumalawak ang kaalaman ko tungkol sa pangarap ko at mas lalong akong nagpursige mag-aral upang magkaroon ng magandang marka at dumarami pa ang kaalaman at upang matuklasan ko rin ang mga kakayahan ko na hindi ko natuklasan.
Marami rin akong mga pagsubok na nalutas. At ngayon, handing-handa na ako sa kung anong mga pagsubok na maaring dumating na hindi ko inaasahan. Sa mga pagsubok na naharap ko na, ay hindi naging madali saakin na hanapan ng solusyon ang mga iyon. Talagang ipinaglaban ko ang sa tingin kong makakabuti sa akin at lalong-lalo na sa pamilya, kaibigan, at sa aking kapwa. Nagpursige ako na malutas ang mga problema na iyon. Hindi ako agad sumuko dahil alam kong pagsubok lang iyon upang mapatunayan kung gaano talaga ako kapursige na makamit ang pangarap na iyon at kung paano ako magtatagumpay sa mga hangarin ko sa buhay.
Mahirap talaga makamit ang isang pangarap kapag hindi ka seryoso at hindi ka nagpupursige dito. May mga problema o pagsubok man na dumating ay wag kang mabahala sa mga ito dahil ito ay dadaan lang sa buhay natin at pansamantala lamang. Huwag mo rin kalimutan na tamasahin ang buhay estudyante dahil isang beses lang ito nangyayari sa buhay natin at dapat sulitin natin ang bawat oras na dumarating. Huwag naman puro “career” ang inaatupag mo araw-araw. Maglibang ka rin kasama ang mga kaibigan o mga kaklase mo. Manuod kayo ng cine o ‘di kaya maglaro kayo ng basketball tuwing free time nyo. Huwag ka rin mahiyang humingi ng tulong sa iyong magulang at mga kaibigan dahil hindi naman masama ang tumulong sa kapwa. Huwag ka rin maging madamot na tulungan rin sila dahil kayo lang naman ang laging nagtutulungan sa isa’t isa. Huwag rin kalimutan na magdasal at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyaya na binibigay at sa mga gabay na kanyang ibinabahagi sa atin. Sa lahat ng mga pagsubok at problema na darating sa buhay nyo, nandiyan lang ang Diyos na handang makinig sa mga problema natin. Hindi man natin siya nakikita, idinadaan naman niya sa mga kilos ng paligid natin upang ipakita kung gaano niya tayo kamahal at handa siyang tulungan tayo sa ating mga problema kung makikita lang natin ang bakas ng kanyang nilikha. Huwag natin ipagsabay ang mga bagay na hindi naman natin kayang pagsabayin. Isa lang ‘yan sa magiging dahilan kaya napapagod at parang gustong-gusto na natin sumuko. Tandaan natin na dapat alam natin kung ano ang mas importante na uunahin at kung ano ang ihuhuli natin. Huwag tayong mahiya na mangarap dahil biniyayaan tayo ng Diyos ng kalayaan na mangarap. Sino ba namang tao ang nangarap na may bayad? Diba wala naman? Kaya wag kang mahiyang mangarap. Kahit ilan pa ‘yan. Basta kaya ng katawan mo na makamit lahat yun, magpursige ka lang at darating rin ang panahon na masasabing mong sulit lahat ng pagod at hirap na dinaranas mo upang makamit ang tagumpay na inaasam mo para sa kaligayahan at kagandahan ng iyong kinabukasan.
Sanaysay Tungkol sa pangarap sa buhay mula sa shabibipagbasablo.blogspot.com
Ang sanaysay na pinamagatang Buhay ng may Pangarap at Hangarin ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Ang Aking Pangarap
Bata pa lang ako ay mahilig na akong magluto. Sa katunayan, palagi akong nakasunod sa aking mga magulang sa tuwing sila ay nagluluto ng aming pagkain. Dito ako nagsimulang mangarap na maging isang magaling na chef.
Iisa lang ang naiisip ko na paraan upang maabot ko ang aking pangarap. Ito ay ang pag-igihan ko ang aking pag-aaral dito sa Alternative Learning System (ALS). Pipilitin kong maipasa ang darating na Accreditation at Equivalency (A&E) Test na talaga namang susubok sa aking kakayahan. Kapag nakapasa ako sa pagsusulit na ito, ako ay magkakaroon na ng haykul diploma at maaari na rin akong makapasok sa kolehiyo kung saan culinary arts ang kursong aking kukuhanin. Hindi ko na hahayaang masira ng sobrang pakikipag-barkada ang aking pag-aaral kapag ako ay nasa kolehiyo na. Gagagawin kong inspirasyon ang aking pamilya, lalong-lalo na ang aking mga kapatid na sobrang natutuwa kapag ako ang nagluluto sa aming bahay.
Kapag ako ay isang ng ganap na chef , ang unang-una kong gagawin ay ang magpasalamat sa ating Panginoon sapagkat hindi ko maabot ang aking pangarap kung hindi niya ako ginabayan sa aking pagbabagong-buhay at pag-aaral. Magpapasalamt rin ako sa aking pamilya at mga guro na umagapay sa akin.
Sanaysay tungkol sa pagkamit sa pangarap mula sa alstutor.wordpress.com
Ang sanaysay na pinamagatang Ang Aking Pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Ang Aking Pangarap
Ang pangarap ko sa buhay ay ang makatapos ng aking pag-aaral dito sa D.A at makapag kolihiyo. Para sa akin kahit hindi ako masyadong magaling sa klasi ngunit hindi ito hadlang para maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay. Gagawin ko ang lahat para sa ikakatupad ng aking mga pangarap, salat man kami sa pera pero mag susumikap ako para makamit ko ang mga bagay na gusto kong maabot at makamtan. Higit sa lahat kailangan kong maging matapang sa bawat pagsubok na aking tatahakin at makasagupa sa buhay. Pangarap ko kasing makapag-abraod at doon makipag sapalaran sa buhay. Gusto kong maiahon sa hirap ang aking pamilya lalo na sa aking mga magulang, Kahit sa ganitong paraan man lang ay maka bawi naman ako sa kanila. Sabi nila sa akin, hindi ko man lang daw isinaalang-alang ang aking kinabukasan para sa hinaharap. Kahit na ganon paman ang nangyari at pagtingin nila sa akin hindi parin ako nawalan ng pag-asa sa buhay, sabi ko sa sarili ko kailangan kong maging matapang at taos puso kong tanggapin lahat ng mga pagsubok na napagdaanan ko sa buhay. ipinagpatuloy ko parin ang aking pag-aaral. Marami rin akong natotonan sa mga napagdaan ko. Kaya ngayon nagpatuloy ako sa aking pag-aaral sa D.A.Dahil sa D.A naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral at masayang-masaya ako ngayon sa awa ng diyos marami na rin akong natotonan lalo na sa computer although basic lang pero marami narin akong natotonan at bihasa na ako ngayong magmanipulate ng computer.Higit sa lahat magagamit ko rin ito sa kolihiyo.Kailangan kong maging masipag at matiyaga para makamit ko ang aking mga pangarap sa buhay. Lagi din akong nagdadasal sa panginoong diyos para patnubayan niya ako sa lahat ng oras. Hanggang dito nalang at maraming salamat sa inyong pagbabasa ng aking talambuhay na ibinahagi ko sa inyo. More power and god bless!
Sanaysay tungkol sa pangarap tagalog mula sa johnmarlonabat28.blogspot.com
Ang sanaysay na pinamagatang Ang Aking Pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
“Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap”
Mula pagkabata dito sa munting tahanan na ito ako nakatira,kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Isang tahanan na puno ng pagmamahalan at pag aaruga. Simpleng tahanan na may dalawang silid,isang tanggapan ng mga panauhin,kainan, kusina at palikuran.Samahan mo ako at ipapasilip ko sa’yo ang tinagurian kong “Silid ng Aking mga Pangarap”
Pagpasok mo pa lang sa aming munting tahanan, ang aming munting tanggapan ang bubungad sa iyo at sa dako pa roon ay nandoon ang aming kainan, kusina at palikuran.Isang hakbang sa aming pasilyo madadaanan mo ang silid ng aking mga magulang kasunod na ang silid namin ng aking mga kapatid.Pagbukas ng pinto maaring mapatigagal ka sa iyong makikita. Dalawang kama, isa sa kanan para sa dalawa kong kapatid at isa sa kaliwa malapit sa bintana na aking pag-aari. Isang orocan na durabox lang ang naghahati sa dalawang kama.Ang aking kama na pinakaborito kong bahagi ng aming silid. Kaya naman para sa akin masasabi kong maganda ang aming tahanan lalo na ang aming silid.
Pero ang talagang nagpaganda sa aking pahingahan o kama ay ang, mga stuff toys na katabi ko pag tulog, ang bukas na bintana kung saan lagi akong inaabot ng magdamag habang pinagmamasdan ang buwan at kalangitan.Lumilipad ang aking isipan habang nakatingin ako sa buwan, malalim ang iniisip at nangangarap,nagtatanong at minsan pa ay umiiyak at napapangiti. Habang bukas ang ilaw, para akong nalulunod sa kasiyahan,kalungkutan at sa iba pang mga dahilan.Kapag pinatay na ang ilaw, bigla naman akong mapapatigagal sa bintana habang tinatanaw ang buwan at ang kalangitan.At ang unang pumapasok sa aking isipan ay ang mga bagay na gusto kong gawin sa hinaharap.
Sinasalamin ng aking pahingahan ang buhay ko. Habang bukas ang ilaw, habang gising, makulay ang buhay; maraming maaring pagtawanan at pagkasiyahan. bagamat ang mga bagay na ito ay labas sa akin, para na rin itong kaparte at kabahagi ko. Ang bukas na bintana, ang buwan, bituin at ang kalangitan kapag patay na ang ilaw ay nagsisilbing repleksiyon ng kung sino ako: taong misteryoso , taong mahilig sarilinin ang problema, mahilig makisali sa mga isyung hindi naman kasali,magalingan kung minsan, mabait sa taong mabait,mahilig magsulat ng mga tula at kung anu-ano pa. Nagsisilbi rin itong talaan ng aking mga pangarap na imposible at posibleng matupad tulad ng pagiging guro, pagiging isang mahusay na kusinero at syempre makapaglibot sa buong mundo at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
At kapag unti-unting pumipikit ang aking mga mata, mistulang naglalaho na ang lahat ng mga makamundo at pansariling mga kahilingan at pagnanasa, dumidilim ang paligid at sa kadulo-duluhan isa lang ang natitira; ang pagnanais na maging malaya, ang isang araw maging kaulayaw ang mga buwan at bituin, ang maglakbay ang diwa sa layo at lalim ng kalawakan.
Sa ngayon, di ko na halos mapansin ang mga buwan at bituin sa tambak ng mga papel sa silid ko. at ang mga litrato, natakpan na ng mga libro ngunit alam kong hindi maiipit sa gitna ng mga pahina ng mga naglalakihang libro ang malayang diwa. isang araw, pag ako ay umalis, muli akong babalik sa lugar na ito, ang silid ng aking mga pangarap at babaguhin ang lahat at ilalagay sa matiwasay.
Sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay mula samartinceazarhermocilla.blogspot.com
Ang sanaysay na pinamagatang “Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap” ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Summary of Mga Sanaysay Tungkol Sa Pangarap 2022
Isang bagay na pangarap ibgay halaga at isapuso natin. Itong artikulong mga Sanaysay Tungkol sa Pangarap ay siyang natin kapupulutan natin ng aral at inspirasyon sa matagumpay pagkamit ng mga pangarap natin sa buhay.
Happy reading and God bless.