Halimbawa ng Haiku — Ating matutunghayan ang araling ito at kung alin ano ang mga halimbawa ng tulang haiku sa wikang Tagalog. Ito’y hinanap at kinalap mula sa mga magaling na makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga haiku na ating ginagamit, natutunan at nagbibigay inspirasyon sa ating ngayon.
Ano Ang Kahulugan Ng Haiku?
Sa literaturang Hapon ng galing ang tulang Haiku. Hindi kagaya o katulad ng ibang mga tula, Ito’y binubuo ng labinpitong pantig at may tatlong taludturan. Ang unang bahaging talutod ay may limang pantig, sa ikalawa taludtod nama’y may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.
Sa madaling salita, ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig. Ang haliku ay nagtataglay ng mga matatalinhagang salita at nagpapahayag ng isang malalim na damdamin.
Halimbawa ng Haiku
Itong artikulo ipagpatuloy ninyo lang ang pagbabasa hanggang matapos para makita mo ang mga nakalaman nito ng bawat isang halmbawa ng Haiku Tagalog. Nawa’y kayo masiyahan at gawn itong inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng haiku.
PINAKA
Pinakatunay,
Na kaibigang taglay,
Ang Poong Buhay!
Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
PANGINOON ko
Patawarin mo ako
Ako’y iwasto.
KAHIT GISING
Panaginip ka
Kahit na sa umaga,
Ika’y ligaya.
Mga haiku ni Avon Adarna
ILIGTAS
Ililigtas ko,
Mabihag man ng mundo,
Aking katoto.
Magdasal ngayon
Sa ating PANGINOON
Upang maglaon.
Haiku examples mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
Halimbawa ng Haiku (Examples ng Haiku)
HANGGANG
Madaling-araw,
Gising kang tinatanaw,
Hanggang pumanaw.
Ang kalsada na ito
Wala nang naglalakad na ito,
Maliban sa takip-silim.
Halimbawa ng tulang haiku ni Bashō
TUNAY
Tunay na diwa,
Nitong pakikisama,
Ay nasa digma.
Masamang tao
Darating ang wakas mo
Sa impiyerno.
Haiku halimbawa
MOVING ON
Luhang natuyo
Ng sinaktang pagsuyo,
Kusang naglaho.
Haiku Halimbawa (Examples ng Haiku)
Ang suntok ng taglamig
Mga mata ng mga pusa
Kumurap.
Haiku ni Bashō
BALATKAYO
May kaibigan,
Nasa tabi mo lamang,
Kung kasayahan.
Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.
TAMEME
Lipad sa ulap
Na sa wari’y kaysarap,
Kapag kaharap.
Haiku ni Avon Adarna
Pinutol ko ang isang sanga
at pinaputi ito ng mas mahusay
sa pamamagitan ng bintana.
haiku ni Shiki
Halimbawa ng Haiku (Examples ng Haiku)
HAIKU
Itinuring ko,
Kaibigang totoo,
Ang tulang haiku.
Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.
Haiku mula sa haiku-tagalog.blogspot.com
HINDI BULAG
Ang puso’t dibdib
Malagkit kung tumitig
Kung umiibig
Haiku ni Avon Adarna
Humiga
Nakikita ko ang mga ulap na dumadaan
silid ng Tag-init.
Haiku ni Yaha
HUWAG ITAGO
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.